Ang Talavera police personnel ay isinailalim sa retraining program matapos ang shooting incident na nangyari noong Bagong Taon sa harapan ng police station.
Binaril at napatay ni Inspector Bernardo Castro, deputy police chief ng Talavera, ang kanyang hepe si Supt. Ricardo Dayag Jr.
At sa pangyayaring ito, nagpalabas ng memorandum ang PNP National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City na magsagawa ng unit training or retraining program sa lahat ng city at municipal police stations.
Sang-ayon kay Chief Supt. Alan La Madrid Purisima, Central Luzon police director, ang 46 Non-Commissioned Police Officers (NCPO) at ang Officer-In-Charge na si Supt. Wilfredo Paulo ng Talavera police ay isasailalim sa seven-day training.
Noong Lunes, ginanap ang opening ceremony ng training sa Clark Freeport, na kung saan si Police Director Danilo Querubin Abarsoza, director ng Human Resource Doctrine and Development, ay guest of honor and speaker.
Si Chief PNP Director General Atty. Raul Bacalzo, na siyang dapat magbubukas ng City and Municipal Police Station training ay hindi nakarating dahil sa maraming commitments sa Manila.
Isasagawa ang nasabing training sa loob ng Camp Olivas, Pampanga at iba’t iba rin ang magsasagawa ng lecture sa kanila, ayon kay Purisima.
At dahil isinailalim sa training ang lahat ng Talavera police force, pinalitan ito pansamantala ng mga miyembro ng Provincial Safety and Management Unit ng Nueva Ecija.
Ayon kay Sr. Supt. Melchor Reyes, head ng Regional Human Resource and Doctrine Division, ay ibabalik din ang mga ito sa kanilang police station pagkatapos ng training.
Mahigit sa 84 NCPOs mula sa National Capital Region Office ang sumailalim din sa training dahil sa nangyaring hostage taking noon sa Quirino Grandstand sa Manila.
Sang-ayon kay Purisima, ang objective ng nasabing training program ay para ma-enhance ang kaalaman ng pulis sa iba’t bang aspects ng police work at para maging “productive” ang mga ito.
Naging “first batch” ang Talavera sa sumailalim sa training program dahil sa nangyaring shooting incident doon.
Napag-alaman na ang susunod na isasailalim sa training ay ang San Leonardo Police Station. Hindi lang malaman kung kailan sila magsisimulang mag-training.
Kaya kayong lahat na nasa Police Stations ay maghanda na rin sa nasabing training program dahil susunod na rin kayo…
by Ric Sapnu
www.sunstar.com.ph/
No comments:
Post a Comment